|
|
 |
November 17, 2008

CRUNCH TIME
Fitzgerald Cecilio
Boom-Boom babawi sa US
TATANGKAIN ni Rey “Boom-Boom” na mabawi ang nawalang kinang ng kanyang
career sa Estados Unidos.
Ngunit hindi basta-basta ang makakaharap ni Bautista sa Nov. 22 sa katauhan
ng beteranong si Heriberto Ruiz ng Mexico.
Ang Bautista-Ruiz fight ay undercard sa Ricky Hatton-Paulie Malignaggi title
fight sa MGM Grand sa Las Vegas.
Itinuturing na susunod na Manny Pacquiao, nawala ang paghanga ng American
fans kay Bautista nang patulugin siya ni Daniel Ponce De Leon sa first round
ng kanilang World Boxing Organization super bantamweight fight noong 2007.
“This is his toughest fight since De Leon. His opponent is a veteran that
has fought the best in the division,” wika ni Michael Aldeguer, president ng
ALA Promotions na siyang handler ni Boom-Boom.
Naniniwala si Aldeguer na dapat manalo si Boom-Boom sa labang ito upang
mapatunayan sa mundo ng boksing na isa siya sa pinakamamagaling na
boksingero sa kanyang dibisyon.
Si Boom-Boom ay may 26-1 record, kasama ang 19 knockouts, habang si Ruiz ay
may markang 37-7-2 (win-loss-draw), kasama ang 23 knockouts.
-000-
May dahilan si Allen Iverson kung bakit limitado lang ang kanyang mga minuto
sa pre-season ng NBA.
Gusto kasi ng All-Star guard na sumabak sa lahat ng 82 laro ngayong season.
Kamakailan, ipinagpalit ng Denver Nuggets si Iverson para sa Detroit Pistons
para kina Chauncey Billups at Antonio McDyess.
"When guys get older, they tend to get a lot of injuries as their career
comes to an end," wika ni Iverson. "I feel good about my training staff and
about the way I've prepared myself to be able to play all of those games."
Hindi na bago kay Iverson ang makapaglaro sa kabuuan ng regular season.
Noong 2002-03, sumabak siya sa lahat ng 82 laro ng Philadelphia 76ers at
noong nakaraang season sa Nuggets.
Other Stories
|